Tuesday, 05 April 2011 07:34
TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Umani ng papuri ang isang tricycle driver na nagbalik ng alahas na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso na naiwan ng kanyang naging pasahero sa lungsod ng Tuguegarao.
Ayon kay Supt. Pedro Martirez Jr., hepe ng Tuguegarao PNP, isinauli ni Gil Maramag, residente ng Brgy. Tanza sa kanilang tanggapan ang isang plastic bag na naglalaman ng mga ginto at diyamante.
Batay umano sa pahayag ni Maramag, nagdesisyon itong ibalik sa himpilan ang naiwang alahas sa tricycle nang hindi nito matunton ang nagmamay-ari rito.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Supt. Martirez na agad itong nakuha ng may-ari kung saan labis ang pasasalamat sa kagandahang loob na ipinakita ng naturang driver.
Hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng negosyanteng nagmamay-ari sa mga alahas para sa kanyang seguridad.
Kaugnay nito, pinag-iisipan ng pulisya kung ano ang ibibigay kay Maramag bilang pagkilala sa kanyang karangalan dahil sa kabila ng hirap ng buhay ay hindi nito pinag-interesan ang mga nasabing bagay
link:http://www.bomboradyo.com/index.php/news/latest-news/47188-p5-m-halaga-ng-alahas-ibinalik-ng-tricycle-driver-sa-pulisya