TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Nagpasa ng
resolusyon ang pamahalaang panglungsod ng Tuguegarao para pagkalooban ng
komendasyon ang tricycle driver at buko vendor dahil sa pagiging
responsableng mamamayan ng mga ito.
Ang tricycle driver na si Danilo
Malillin at buko vendor na si Rico Agabao ay nagtulungan para hulihin
ang mag-live-in partner na sina Steve Aggarao at Angelie Dayag na
nangholdap at nanaksak sa saleslady ng isang establisyemento sa
kalungsuran nitong nakalipas na Agosto 2, 2011.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay
Vice Mayor Danilo Baccay ng Tuguegarao City, sinabi nito na ang hakbang
na ito ay bilang pagpupugay sa katapangan ng dalawa para maging ehemplo
sa ibang mga residente.
Ayon kay Baccay, hindi rin nila
isinasantabi ang posibleng pagbibigay ng cash incentive sa dalawa bukod
sa ipagkakaloob na komendasyon.
[You must be registered and logged in to see this link.]