Sa ikalawang pagkakataon pagkaraan lang ng isang buwan ay muling
nabugbog ang isang kagawad ng pulisya matapos sapakin ng isang tricycle
driver sa Mandaluyong City kahapon ng madaling-araw.
Gayunman, kahit nasaktan si PO2 Edgar
Antipasado, nakatalaga sa Criminal Investigation Unit (CIU) ng
Mandaluyong City Police, ay hindi pa rin nito inabuso ang kanyang
pagiging police officer sa halip idinaan sa tamang proseso ang
pag-aresto at kinasuhan ang suspek na nanapak sa kanya na nakilalang si
Leonard Lara y Ocampo, 27, binata at residente ng No. 548 Calbayog St.,
Bgy. Highway Hills, ng nasabing lungsod.
Sa salaysay ni PO2 Antipasado kay PO3 Emmanuel
Ermino, imbestigador ng CIU, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng
madaling-araw sa Sierra Madre St. corner Kanlaon St. ng Bgy. Highway
Hills habang nasa pilahan siya ng mga tricycle at nakasibilyan nang
biglang paalisin ng isang lalaki.
Nagpakilala siya na isang pulis at sinabing may
hinihintay lang ng dumating si Lara at basta na lamang umano sinapak sa
panga si PO2 Antipasado na nahilo dahil sa lakas ng suntok.
Aminado naman ang suspek na sinuntok niya ang pulis pero
ikinatwiran nito na “kasi nagalit siya ng pinaalis siya at pinaalis niya
rin ang nakapilang tricycle ko.”
Noong Pebrero 10, dakong alas-11:00 ng gabi ay
pinagtulungang bugbugin si PO2 Antipasado hanggang mawalan umano ng
malay nang magkarambulan ang grupo ng mga kabataan habang naka-duty siya
sa annual celebration ng Mandaluyong Cityhood Day.
link: [You must be registered and logged in to see this link.]