LONDON - Kinumpirma nitong umaga lamang ni US President Barack Obama na nagsimula na rin ang tropa ng Amerika sa operasyon sa Libya katuwang ang mga kaalyadong bansa sa operasyong tinaguriang "Odyssey Dawn."
Kasabay nito inihayag ng British Defense Ministry na higit 110 Tomahawk missiles ang pinakawalan ng Gran Britanya at Estados Unidos na tumama sa 20 targets sa Libya.
Ibinunyag din ng Amerika na 25 barko nito na armado ng Tomahawk missiles kabilang na ang tatlong submarine ang nakapaligid ngayon sa Libya.
Samantala, apat na mga fighter jets ng Spain ang umalis na rin sa Madrid at nakatakdang sumali sa coalition force.
Dalawang air base rin ang inilaan ni Spanish Prime Minister Jose Luis Rodriguez Zapatero para sa coalition force, Boeing 707 refuelling plane, submarine, naval figate at surviellance plane.
Sa ngayon ang puwersa na umaatake sa Libya ay mula pa lang sa Amerika, Gran Britanya, France, Italy at Canada.
Umaabot sa 20 fighter planes ng France ang nasa operasyon ngayon sa Libya kung saan apat na airstrikes ang isinagawa nito.
Sinira rin ng mga warplanes ng Paris ang mga tangke ng sundalo ni Moammar Gadhafi.
Ang France ang pinakaunang bansa na umatake sa Libya.
Ang US headquarters sa Germany ang siya ngayong nagsisilbing command center sa operasyon sa Libya.
Ayon sa Frnace, ang airstrikes nila ng Gran Britanya at Amerika ay coordinated sa nasabing headquarters.
Samantala, pinanindigan naman ni Cameron na tama, legal at nararapat lang ang ginawa nila sa Libya.
Ayon naman sa US, sa ngayon ay ang air defense system ang target ng coalition force at ang airstrike ay bahagi lang ng multi-phase na operasyon sa Libya.
Inihayag naman ni US Secretary of State Hillary Clinton na hindi maaaring nakaupo lang ang mundo habang pinapatay ang mga sibilyan sa Libya. (BBC)
[You must be registered and logged in to see this link.]