WASHINGTON - Sunud-sunod na Tomahawk cruise missiles ang tumama sa artillery site ni Libyan leader Moammar Gadhafi sa pagpapatuloy ng opensiba ng coalition forces ngayong araw.
Unang tinamaan ang tinatawag na surface-to-air missile site malapit sa lungsod ng Sabha sa pamamagitan ng isang missile mula sa isang military ship na nakabase sa Mediterranean.
Ayon kay Navy Vice Adm. William Gortney, staff director for the military Joint Chiefs, tumama ang cruise missile sa dulo ng lugar na itinalagang no-fly zone ng United Nations.
Sunod na tinamaan ang Scud missile site malapit sa Tripoli na sinasabing magpapahina pa sa puwersa ng Libyan leader.
Sa mga naunang cruise missiles na pinakawalan, karamihan dito ay tumama sa baybaying-dagat.
Samantala, ipinatawag ngayon ni US President Barack Obama ang kanyang mga top-level national security advisers para pag-usapan ang mga development sa Libya at ang magiging partisipasyon ng Estados Unidos sa hinaharap.
Dahil sa napakalaking gastos sa operasyon kada araw at pagtutol ng ilang miyembro ng US Congress, nais ng Obama administration na ipaubaya na sa mga kaalyado sa koalisyon ang lead role.
Pero tiniyak naman ng Pentagon na kahit bibitaw na ang US sa lead command, magpapatuloy pa rin umano ang strike mission ng US warplanes sa Libya.
Inihayag ni Gortney na tuloy ang isasagawang support missions ng US tulad ng pagre-refuel sa allied planes, pagbibigay ng aerial surveillance sa Libya at handa ring magsagawa ulit ng combat missions kung kinakailangan.
[You must be registered and logged in to see this link.]