LAOAG CITY - Nangako si Erjo Valenzuela, ang bagong upong mayor na gagawin ang lahat upang maibalik ang dating maayos at tahimik na bayan ng Dingras, Ilocos Norte.
Sa kanyang talumpati matapos manumpa sa harap ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, sinabi ni Valenzuela na hihingin niya ng tulong at suporta ang mga kapwa lokal na opisyal at mga lokal na otoridad upang mawakasan na ang mga nangyayaring karahasan sa bayan ng Dingras.
Ang panunumpa ni Valenzuela at ang bagong vice mayor na si Ruben Marcos ay sinaksihan ng mga provincial officers ng DILG, Comelec, mga dating alkalde ng Dingras at pribadong indibidwal sa harap mismo ng municipal hall.
Matapos ang panunumpa, agad nagtungo ang grupo sa simbahan para mabasbasan ang mga bagong opisyal.
Hanggang sa ngayon ay wala pang impormasyon kung sino ang papalit sa bakanteng posisyon matapos ipatupad ang "law of succession" dahil sa pagbaba sa puesto ni dating Mayor Marineth Gamboa at sa binakanteng posisyon ng pinatay na si Sangguniang Bayan Member Randolf Magno Sr.
Umaasa naman si Gov. Marcos na sa pamumuno ng bagong administrasyon sa Dingras ay maibabalik ang dating maayos at maunlad na bayan.
orig link:http://www.bomboradyo.com/index.php/news/latest-news/51320-bagong-mayor-sa-ilocos-norte-pormal-nang-nanumpa