Ibinalik ni Vice President Jejomar Binay kay Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang usapin kaugnay sa isyu kung dapat ilibing ang dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Sa pagharap sa Manila Overseas Press Club Forum kagabi, inihayag ni Binay na dapat bumuo ang Pangulo Aquino ng isang komite na siyang mag-aaral sa panukala kung saan ililibing si Marcos.
Ayon kay Binay, kailangan umano ng multi-sectoral decision sa usapin para mapanatili ang pagkakaisa ng bansa.
Una rito, kinumpirma ni Pangulong Aquino na ang pangalawang pangulo ang kanyang inatasang magdesisyon sa matagal ng kahilingan ng pamilya Marcos na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating presidente ng Pilipinas.
Ani Presidente, tiyak na magbibigay si Binay ng patas na pagtimbang sa mga argumento base sa kanilang gagawing pag-aaral.
Nag-ugat ang naturang debate nang inihirit ni Sen. Bongbong Marcos na dapat mailibing na sa Libingan ng mga Bayani ang kanyang ama dahil dati itong presidente at beterano pa ng giyera.
Sagot naman ni Pangulong Aquino na hindi siya maaaring magdesisyon sa isyu dahil lalabas na namemersonal lamang siya.
"I've talked to the Vice President and asked him if he could be the one to decide on the case. Dahil sa akin nga kahit maski ano pang desisyon ko sasabihin na namemersonal ako," pahayag kamakailan ng Pangulong Aquino.
link: [You must be registered and logged in to see this link.]