gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Floyd Mayweather Jr., nahaharap sa panibagong kaso

    lance77
    lance77
    Registered Member


    Location : Laoag Ilocos Norte/Pangasinan
    Posts : 431

    Floyd Mayweather Jr., nahaharap sa panibagong kaso  Empty Floyd Mayweather Jr., nahaharap sa panibagong kaso

    Post by lance77 Sun Apr 03, 2011 9:38 am

    Muli na namang nahaharap sa panibagong kaso si undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. ito ay matapos na hindi umano nito binayaran ang kaniyang buwis na nagkakahalaga ng $3.4 million mula taong 2009.

    Ang panibagong kaso ni Mayweather ay kasunod ng pagpayag nitong bayaran ang $5.6 million na unpaid taxes noong 2007.

    Sa mga makalipas na buwan ay sinasabing nananalo ng malaking halaga ang naturang boksingero sa pamamagitan ng pagpusta sa mga NBA games.

    "Today was a good day. It took 24 minutes to make $40,000 dollars on the Portland Trailblazers," bahagi ng tweeter ni Mayweather.

    Una rito, sa Abril 25 na gaganapin ang pagdinig sa kasong isinampa sa dating pound-for-pound king ng isang security guard.

    Ayon sa report ng Las Vegas Sun, hindi dumalo sa korte si Mayweather sa pagdinig sa misdemeanor battery case ngunit nandoon ang kanyang abugado na si Karen Winckler at hiniling nito na ituloy lang ang pagdinig.

    Makukulong ng hanggang anim na buwan at magmumulta ng $1000 si Mayweather kapag napatunayang nagkasala sa korte.

    Itinakda sa April 28 naman ang pagdinig sa kasong felony ni Mayweather na isinampa ng dating kinakasama na si Josie Harris.

    Maliban sa pananakit, inakusahan din ni Harris si Floyd Jr., ng pagnanakaw umano ng isang mamahaling cellular phone. (foxsports)

    link:http://www.bomboradyo.com/index.php/news/latest-news/46961-floyd-mayweather-jr-nahaharap-sa-panibagong-kaso

      Current date/time is Sat Nov 16, 2024 12:32 am