WASHINGTON D.C. – Nangako si US President Barack Obama na bibisita sa Pilipinas at muling makikipagkita kay 8-division world champion Manny Pacquiao.
Ayon kay Fred Stenburg, publicist ni Pacquiao, inimbitahan ng pound-for-pound king ang US president na manood ng kanyang laban kay 5-time world champion "Sugar" Shane Mosley ngunit hindi umano ito makakapanood ng "live" sa Las Vegas, pero panonoorin umano nito ang laban sa pay-per-view.
Sinabi rin ni Obama kay Pacquiao na bibisita ito sa Pilipinas at nais umano nito na muling makipagkita sa Pambansang Kamao.
Binigyan din si Pacquaio at misis nitong si Jinkee ng tatlong shopping bag at relo na may presidential seal, ayon pa kay Stenburg.
[You must be registered and logged in to see this link.]