NEW YORK - Naging unanimous ang suporta ng mga bansang miyembro ng United Nations (UN) Security Council sa draft resolution na nagpapataw ng sanctions laban sa bansang Libya.
Sa ginanap na botohan ngayong umaga sa UN, lahat ng mga miyembro ng 15-nation council ang bomotong pabor sa panawagan na patawan ng arms embargo, travel ban at i-freeze ang mga ari-arian ni Libyan leader Col. Moammar Gadhafi.
Alinsunod sa Chapter 7 ng UN Charter, pinapahintulutan ang UN na gumamit na ng puwersa para maipatupad ang naaprubahang sanctions laban sa Libya.
Una rito, mismong si Libyan UN ambassador Abdurrahman Shalgham ang nagpadala ng sulat sa konseho para iulat na suportado ng Libyan delegation sa New York ang panawagan na panagutin si Col. Gadhafi sa mga "crimes against humanity" ng kaniyang rehimen.
Ang Council ay kinabibilangan ng limang permanent members, kung saan kasama ang China, France, Russian Federation, United Kingdom at United States
Kasama rin sa konseho ang 10 non-permament members na: Bosnia and Herzegovina, Germany, Portugal, Brazil, India, South Africa, Colombia, Lebanon, Gabon at Nigeria.
link: [You must be registered and logged in to see this link.]