TRIPOLI - Inilarawan ng ilang nagpoprotesta na nagmistula umanong mga aso ang mga sibilyan sa ginawang walang awang pamamaril ng mga sundalo ni Libyan leader Moammar Gadhafi.
Ayon sa isang demonstrador sa Tripoli eastern Tajoura district maraming mga raliyesta ang binaril ng mga loyal soldiers ni Gadhafi sa ulo nang isagawa ang pagbuwag sa hanay ng mga demonstrador.
Kanina inatake ng mga loyal troops ni Gadhafi ang isang major air base sa east ng Tripoli matapos na bumagsak ito sa kamay ng mga nagrerebelde.
Isang grupo ng mga tangke ang umatake sa Misrata Air Base upang makuha ang lugar sa mga residente at army units na bumaligtad.
Sumiklab din ang labanan sa boundary ng ikatlong pinakamalaking syudad na Misrat na hawak na ng oposisyon.
Bago ito, hinuli ng oposisyon ang dalawang sundalo ni Gadhafi, kabilang ang isang senior officer.
Maririnig pa rin umano ang putukan hanggang kanina.
Ayon sa isang doctor, umabot na sa 22 ang napatay sa nakalipas na dalawang araw sa loob ng air base at sa kalapit na civilian airport.
Nauna rito, sinasabing lalo umanong lumakas ang anti-government protesters na naglalayong patalsikin si Gadhafi dahil may ilan pang sundalo ang sumama na rin sa mga demonstrador.
Kumalat ang video footage na nagpapakita nang paglantad ng mga nakaunipormeng sundalo ni Gadhafi na nakisama sa mga raliyesta.
Makikita sa video na ang mga sundalo ay binuhat pa ng mga demonstrador dahil sa pagbubunyi sa pag-anib sa kanila.
Bagamat hindi pa maberepika ang naturang video, pinaniniwalaang ang tanawin ay nangyari sa siyudad ng Az Zawiyah.
Ang lugar ay nawala na rin umano sa kontrol ni Gadhafi tulad ng ilan pang mga bayan sa Libya.
May lumabas ding report na may mga army commanders sa silangang bahagi ng Libya na kinondena ang kanilang lider ay nagsabing may mga military commanders na rin sa lugar ng kanluran ng bansa ang nagsisimula na ring mag-defect sa mga raliyesta. (AP/Aljazeera)
link: [You must be registered and logged in to see this link.]