LAS VEGAS, Nevada – Isinagawa na ang final media day, kani-kanina lamang para sa world bantamweight title fight sa pagitan nina WBO/WBC bantamweight champion Fernando Montiel at two-time world champion Nonito Donaire ngayong Linggo sa Mandalay Bay, Las Vegas, Nevada.
Sa pagharap ng dalawa sa media, parehong sinabi ng mga ito na magiging exciting ang kanilang laban at asahan na umano na hindi matatapos ang 12 rounds at may babagsak na isa sa kanila.
Nilinaw ni Donaire na hindi sya nahihirapan ngayon sa kanyang timbang kahit na diyeta sya sa pagkain para matanggal ang apat hanggang limang librang sobra para sa 118-pound limit.
Ayon sa report, sopas at kaunting gulay lang ang kinakain nito at sa loob nang sauna sya nag-eensayo upang makuha ang tamang timbang sa gaganaping official weigh-in sa Sabado.
Naka sauna suit din si Montiel sa kanyang ensayo dahil sobra pa rin ito ng apat na libra.
Naging magalang sa isa’t-isa si Montiel at Donaire, lalo na at dati na silang magkaibigan ngunit sa araw umano ng laban, gagawin nila ang lahat upang magwagi sa laban.
[You must be registered and logged in to see this link.]