Inabsuwelto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang anim na mga military officers na sangkot sa nabigong February 2006 coup d' etat laban sa nakaraang Arroyo government.
Sa ipinalabas na desisyon ng AFP General Court Martial, napawalang-sala sina Maj. Jason Aquino, Captains Isagani Cristie, Montano Almodovar, James Sababan, Joey Fontiveros at Dante Langkit.
Ang mga nabanggit ay mga miyembro ng elite unit na Army Scout Rangers
Kasabay nito, ibinasura naman ng korte ang motion for reconsideration na isinampa nina retired Maj. Gen. Renato Miranda, Brig. Gen. Danilo Lim at Col. Ariel Querubin, kaugnay pa rin sa kasong pag-aklas laban sa pamahalaan.
Bunsod ng desisyon, tuloy pa rin ang gagawing pagdinig sa kanilang kasong mutiny.
Bagama't nag-retiro na si Miranda, na miyembro ng Philippine Military Academy Class 1974 at dating hepe ng Philippine Marines, saklaw pa rin ng military tribunal ang kaso nito.
Samantala sina Lim at Querubin ay itinuturing resigned na sa serbisyo matapos maghain ang mga ito ng kanilang certificates of candidacy noong May 10 senatorial elections.
Kung maaalala kapwa natalo ang dalawa sa kanilang kandidatura.