Exaggerated ang naging pagtaya sa oil reserves ng Saudi Arabia, ang pinakamalaking oil producer sa mundo.
Ito ay batay sa inilabas na US diplomatic documents, ng whistleblowing website na WikiLeaks.
Sa pakikipag-usap ng US diplomat sa dating in-charge sa explorasyon at produksyon ng state-owned company na Aramco, inihayag ni Sadad al-Husseini na posibleng hindi ganoon karami sa unang pagtaya, ang oil reserves ng Saudi Arabia.
"According to al-Husseini, the crux of the issue is two-fold," bahagi ng isinapublikong dokumento ng WikiLeaks. "First it is possible that Saudi reserves are not as bountiful as sometimes described and the timeline for their production not as unrestrained as Aramco executives and energy optimists would like."
Ayon pa kay al-Husseini, sa pagsapit ng 2020 ay hihina na ang produksyon ng Saudi Arabia sa langis.
Maalala na noong 2009, inihayag ng Saudi Arabia na adhikain nito na makapag-produce ng 12.5 million bariles ng langis bawat araw.
Ngunit bigo itong maabot. Ayon sa US Energy Information Administration, noong 2010, 8.4 million bariles lang ng langis ang produksyon ng Saudi bawat araw.
Pagtaya pa ni al-Husseini, magpapatuloy ang sitwasyon na malaki ang demand kaysa sa supply at dahil umano rito ay tataas ang presyo ng produktong petrolyo. (AP)
original links: [You must be registered and logged in to see this link.]