gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Tamang pag-inom ng tubig

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Tamang pag-inom ng tubig  Empty Tamang pag-inom ng tubig

    Post by jezz_wazz Thu Dec 22, 2011 5:49 pm

    MAG-INGAT sa maruruming tubig (contaminated water).
    Puwede itong makamatay. Kapag marumi ang tubig na nainom mo, puwede kang
    magka-cholera, typhoid, diarrhea, o hepatitis A. Delikado ang mga sakit
    na ito. Huwag makipagsapalaran at baka tayo ma-ospital. Alam kong medyo
    mahal, pero uminom ng bottled water lamang.

    Ano ang mga klase ng tubig?

    1. Tubig sa poso o spring – Ang tubig na ito ay nakatago sa ilalim ng
    bato at lupa. Dahil dito, may halo itong minerals­ tulad ng calcium at
    magnesium. Okay lang ito kung malinis ang pinanggalingan.

    2. Mineral water – Nakabote itong tubig pero galing din sa poso o
    spring water. May minerals ito tulad ng calcium at magnesium na mabuti
    naman sa katawan. Pero dapat mag-ingat lang ang mga may sakit sa bato
    (kidney stones).

    3. Distilled water – Kapag distilled water, wala na itong halong minerals. Healthy ito at paborito kong inumin.

    4. Purified water – Ang ibig lang sabihin ay dumaan ang tubig na ito
    sa isang purifier o pansala. Basta malinis ang mga tubig na ito, puwede
    naman inumin.

    Paano ang tamang pag-inom ng tubig?

    Kailangan ng katawan natin ang 8 hanggang 12 basong tubig sa
    maghapon. Sa mga kababaihan, wala pong tawad! Dahil kung hindi ay baka
    kumulubot ang iyong kutis at mukha. Panlaban sa wrinkles ang pag-inom ng
    sapat na tubig.

    Nililinis din ng tubig ang mga dumi natin sa katawan. Makaiiwas
    tayo sa pagkakaroon ng bato at impeksiyon sa kidney. Nakababawas din ng
    pangangasim ng iyong sikmura kung regular ang pag-inom mo.

    Kapag kulang ka sa tubig, mahihirapan ang iyong utak at hindi ka
    gaanong makaisip. Baka ma-dehydrate ka, lalo nang sobrang init sa
    Pilipinas.

    Kapag nanunuyo ang iyong mata, lalamunan o ilong, huwag bumili agad ng gamot. Uminom muna nang ma­raming tubig.

    Tandaan, uminom ng tubig kahit hindi nauuhaw. Ang mga may edad ay
    hindi gaanong nakararamdam ng uhaw, kaya painumin sila ng tubig.

    Tubig lang ang pinaka-healthy sa lahat. Huwag uminom ng softdrinks, iced tea, alak at kape. Lalo ka lang mauuhaw sa mga iyan.

    Isang paalala lang: Sa mga may altapresyon at sakit sa puso, magtanong muna sa inyong doktor bago uminom nang maraming tubig.

    Huwag magreklamo kung ihi kayo nang ihi. Isipin lang na nailalabas mo
    ang mga dumi sa iyong katawan. Masama po ang magpigil ng ihi dahil baka
    ka magka-impeksyon. Tubig lang ang sagot sa karamdaman mo.


    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Sat Nov 16, 2024 10:49 am