TAMANG PANUNTUNAN SA PAGGAMIT NG FACEBOOK! (WAG MO NANG BASAHIN BAKA MATAMAAN KA LANG!)
Facebook.
Ang Facebook na siguro ang maituturing na isa sa mga napakatalinong
imbensiyon na pwedeng malikha ng isang tao. Nang dahil sa Facebook,
pinadali nito ang pakikipag-usap o paghahanap sa mga malayo, nawawala o
nagtatagong mga kaibigan, kamag-anak, ex o mga taong may utang. Dahil
din sa Facebook may mga taong nagkatuluyan, nakapagkamustahan,
nagkasiraan at nagkabulgaran nang nakaraan. Napakalaki nga ng tulong ng
Facebook sa lahat ng tao ngunit napakalaki rin ng naidudulot nitong
panganib sa mga tao.
Nakakatawang may mga taong hindi batid ang mga nakaambang panganib sa
paggamit nitong social networking site. Hindi lang nakakatawa ang mga
taong ito kundi nakakapundi rin.At mas lalong nakakaawa kung magpopost
sila ng status na hindi man lang binasa paulit-ulit bago iclick ang
share. Marami kayang nakakabasang wrong grammar ka! Nakakahiya para
sayo. Minsan magbubukas ka ng Facebook at panay pangalan nalang niya ang
lumabas dahil maya’t-maya kung mag-update ng status.
Hindi ba’t nakakapagod makita ito?
I’m off to the mall.
I’m off to my mom’s house.
I’m at the hospital.
I’m off to Singapore.
I’m going to Hong Kong.
Just checked in at the office.
I just had sinigang for lunch.
My boyfriend is the sweetest! He cooked breakfast for me!
I just bought a pair of pants.
I really like my new bag! I love it! Forever! I love it! Promise talaga!
At napakahabang litanya ng pagyayabang!
Naisip ko lang, bakit kaya walang nagpopost ng ganito?
I’m off to the bathroom! My pwet can’t wait!
Tuyo lang ang ulam namin for lunch. Walang pera!
I bought tinapa from the market.
Pautang nga please?! Friends help please!
Ang kati ng kili-kili ko. I hate it!
My breath sucks when I wake up!
Ang anak ko ang pinakalampa sa school. Tangina! Anak ko ba to?
Maganda ba ako? OO o Hindi?
Nakikita niyo ba ang pagkakaiba? Ang tao natural talagang gumagawa ng paraan para may mainggit sa kanya.
Sa pagoobserba ko at sa dalawang taon kong pag Ffaceboook, may mga tao
lang talagang gumagawa ng paraan para magbuhat ng sariling bangko!
At dahil dyan, gumawa ako ng sarili kong panuntunan sa paggamit ng
Facebook. Maaring hindi mo ito sundin dahil makapal talaga ang mukha mo
at wala kang pakialam o maari rin namang sundin mo para hindi ka
magmukhang katawa tawa sa ibang tao.
1. Wag mong gawing bestfriend ang Facebook! Kung wala kang makausap
pwede kang magtext sa mga kaibigan o kamag-anak mo o pwede rin namang
itext mo ako. Wag mong gawing buhay ang Facebook.
2. Karugtong nang nauna, wag mong gawing super companion ang Facebook na
para bang wala ka nang makausap sa mundo at lahat ng ginagawa mo at
maisip mo ay pinopost mo. Paki alam ng ibang tao sayo?!
3. Kung magpopost ka ng pictures dito, siguraduhing kaaya-aya naman ang
pagmumukha mo! Tandaang nakikita ng lahat ng tao at kamag-anak mo yan.
Konting delikadesa naman. Wag kang magtataka kung bakit alam ko na may
balat ka sa singit at maitim ang pusod mo. Nakita ko kaya sa isang
picture mo yan!
4. Huwag na huwag mong gawing daily planner ang facebook. Tapos
magtataka ka pa kung bakit alam ko ang lahat ang daily chores mo, eh
naipost mo na lahat!
5. Kung gagawa ka ng kalokohan, siguraduhin mong wala kang naka tag na
picture dahil maaring makita yan ng girlfriend mo, asawa mo, boss mo o
kahit na sino pang pinagtataguan mo.
6. Huwag mong asahang katulad mo, ay ginagawang primary tool for
communication ng ibang tao ang Facebook! Wag kang magpopost ng
importanteng bagay sa wall ng isang tao, dahil hindi katulad mo, hindi
siya araw-araw nagbubukas ng Facebook. Magtataka ka pang hindi nakauwi
sa probinsya ang kapatid mo. Eh sa Facebook ka nagpost na “Namatay na si
Nanay”. Pwede ka namang magtext o tumawag.
7. Karugtong nang nauna, wag gawing maglandian sa Facebook! Pwede mo
namang tawagan o itext ang boyfriend o asawa mo kung ang gusto mo lang
naman sabihin ay PLEASE GO HOME! I MISS YOU! Tandaan mong may mga taong
nasusuka sa paglalandian ninyong dalawa.
8. Higit sa lahat, tandaang pagkatapos mong gumamit ng Facebook huwag
kang maglungkot lungkutan dahil naiinggit ka sa isa mong kabatch na
ngayon ay may mayamang asawa, magandang trabaho at may magarang kotse!
Hindi mo alam baka nakisandal lang talaga siya sa kotse na yun at
nagpapicture.
Huwag mong hayaang diktahan ng Facebook ang buhay mo, pananaw at pag-iisip!
At sa huli, tandaan mong:
NEVER LET FACEBOOK OR ANY SOCIAL NETWORKING SITE CREATE AN IMAGE OF WHAT YOU ARE NOT!
[You must be registered and logged in to see this link.]