gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Mag-ingat sa mga sintomas

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Mag-ingat sa mga sintomas  Empty Mag-ingat sa mga sintomas

    Post by jezz_wazz Thu Dec 08, 2011 11:18 am

    Inuubo – Kalimitan ng inuubo ay dahil sa trangkaso , allergy o dahil sa paninigarilyo. Ngunit may mga seryosong ubo na nanggagaling sa tuberculosis at kanser sa baga. Kapag matindi na ang ubo, magpa-chest X-ray.

    Nauuhaw, at ihi nang ihi – Kakaiba talaga ang sintomas ng
    diabetes. Dahil mataas ang asukal sa dugo, lumalabas tuloy ang tubig at
    asukal sa ating ihi. Dahil dito, ihi ng ihi ang pasyente at lagi pa
    siyang nauuhaw. Ang iba ay pumapayat kahit malakas naman kumain. Huwag
    matuwa kahit pumapayat, dahil baka diabetes na iyan. Ipagamot agad sa
    doktor.

    Nangingitim ang paa at binti – Isa pang senyales ng diabetes
    ay ang pamamantal at pangingitim ng paa. Ito’y dahil sinisira ng
    diabetes ang mga ugat sa paa at nagkukulang ang daloy ng dugo at oxygen
    dito. Uminom ng gamot sa diabetes bago lumala.

    Nilalanggam ang ihi – Naku, siguradong diabetes na iyan. Mataas ang asukal sa dugo at lumalabas ito sa ihi.

    Maraming bula sa ihi – Posibleng may sakit sa bato o kidney.
    Normal lang ang makakita ng bula sa ihi, pero may pagkakataon na madami
    ang bula at hindi kusang nawawala. Posibleng may protina na lumalabas
    sa ihi. Ipasuri ang ihi at baka may diprensiya na ang bato.

    Kumikipot ang dumi – Nakakatakot ang colon cancer, ang
    sakit ni Presidente Cory Aquino. Wala itong malinaw na sintomas. Ngunit
    kapag nagbago ang anyo ng dumi na para bang hugis lapis, posibleng may
    nagbabara sa malaking bituka. Ito’y isang senyales ng colon cancer.
    Magpasuri sa isang gastroenterologist.

    Matinding sakit ng ulo at pagkahilo – Posibleng istrok,
    altapresyon, o tumor sa utak ang dahilan. Una sa lahat, magpa-check ng
    blood pressure. Kapag lampas ito sa 140 over 90, posibleng altapresyon
    ang dahilan ng sakit ng ulo. Kapag nanghina o namanhid ang isang parte
    ng katawan, posibleng istrok na ito. Magpakita agad sa doktor.

    Mabigat ang dibdib – Bantayan ang sakit sa puso. Kung
    ika’y edad 40 pababa at wala namang ibang sakit, marahil ay hindi
    delikado ang pananakit ng iyong dibdib. Ngunit, kung may iba ka pang
    karamdaman, tulad ng altapresyon, may katabaan, mataas ang kolesterol,
    at may diabetes, kailangan ipa-check agad ang iyong puso. Huwag
    balewalain ang mga sintomas na ito.


    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Sat Nov 16, 2024 4:35 am