BUTUAN CITY - Pumanaw na kagabi ang pulis na nakapatay sa kanyang sariling hepe sa Surigao del Sur.
Si PO3 Lord Anthony Lerin ay binawian ng buhay kagabi na nagtamo rin ng tama ng bala matapos na mabaril din ni Insp. Edgardo Dico, hepe ng Bayabas Municipal Police Station.
Samantala, bumuo na rin ang Police Regional Office-13 ng isang special investigating team upang siyang tumutok sa nangyaring barilan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Col. Martin Gamba, tagapagsalita ng PRO-13, sinabi nito na layunin ng naturang special team ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa krimen upang malaman ang totoong nangyari sa pagitan nina Dico at Lerin.
Pinaalalahanan din ng nasabing opisyal ang lahat ng pulis na agad magpatulong sa matataas na opisyal kung sakali mang mayroong hindi pagkakaunawaan upang mabigyan kaagad ng solusyon.
Lumalabas kasi na merong hindi pagkakaunawaan ang dalawa.
Sa inisyal na imbestigasyon, isinugod pa sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center sa Tandag City ang hepe makaraan ang pangyayari ngunit idineklara itong patay na ng attending physician.
Sinasabing may dalang M16 armalite rifle ang opisyal, habang gamit naman ni Lerin ang kanyang service firearm na kalibre .45.
[You must be registered and logged in to see this link.]