DAGUPAN CITY - Nakaligtas sa tangkang
pagpaslang ang isang punong barangay sa bayan ng San Fabian sa lalawigan
ng Pangasinan habang napatay naman ang suspek.
Ayon kay Insp. Ferdinand Lopez, deputy
chief of police ng San Fabian PNP, kakauwi pa lang ni Barangay Chairman
Ariel Raul Abaoag ng Brgy. Tiblong mula sa isinagawang dducational tour
ng mga daycare pupils sa kanilang barangay sa lungsod ng Dagupan.
Subalit nadatnan nitong bukas ang
kanyang bahay at nang kaniyang tignan kung sino ang naroon, tumambad ang
suspek na si Virgilio Mina na sinasabing miyembro ng "Bahala na Gang"
at agad siyang tinutukan ng kalibre .45 na baril, sabay takbo sa likuran
ng bahay upang tumakas.
Mabilis din namang kinuha ng kapitan ang kanyang carbine at nakipaghabulan sa magnanakaw sa highway ng barangay .
Pumara ng bus ang suspek at pagkasakay nito ay binaril ang nakasunod na kapitan na kanyang tinamaan sa kaliwang braso.
Gumanti ng putok si Abaoag at tinamaan nito ng dalawang beses sa katawan ang suspek, dahilan upang ito ay mamatay.
Lumalabas naman sa imbestigasyon ng mga pulis na pagnanakaw ang motibo sa insidente.
[You must be registered and logged in to see this link.]