LAOAG CITY – Inamin ni Mayor Maja Sales ng Pagudpud, Ilocos Norte na kinukulang sila ng mga hotels at resorts upang mag-accomodate sa maraming mga turista sa kanilang lugar simula pa noong Lunes.
Ayon kay Sales, fully booked lahat ang mga resorts at hotels maging ang mga binuong homestays.
Mahigit 90 porsyento sa mga turista ay mga lokal, habang may mga dayuhan namang naka-check in na simula pa noong nakalipas na linggo.
Dahil sa kinukulang sila sa mga lodging at hotels, napilitan ang ilan na pumunta sa karatig bayan ng Bangui at Burgos, Ilocos Norte.
Ang mga beach resorts ng Pagudpud ang pangunahing tourist destination ng mga lokal at dayuhang turista dahil sa mala-Boracay na tanawin.
link:http://www.bomboradyo.com/index.php/news/latest-news/49311-beach-resorts-at-hotels-sa-pagudpud-ilocos-norte-puno-ng-mga-turista