BAGUIO CITY --- Umabot na sa lungsod na ito ang operasyon ng West African drug syndicate.
Ito ang kinumpirma ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera kung kaya’t pinaigting na nila ang pagmamanman upang mabigo ang anumang operasyon ng iligal na aktibidad ng grupo.
Ayon kay Emely Fama, Information officer ng PDEA-CAR, ang organisasyon ay binubuo umano ng mga Pakistani at Nigerian sa pakikipagsabwatan sa mga Pinoy counterparts at kadalasan sa mga travel agencies nangyayari ang mga transaksyon.
Modus umano ng mga ito na kunwari ay magre-recruit ng mga Filipino upang magtrabaho sa ibang bansa subalit kalaunan ay magpupuslit na ng mga iligal na droga.
Dahil dito, pinaalalahanan ng opisyal ang mga mamamayan na mag-ingat at kilatising mabuti ang mga travel agencies at siguraduhing lehitimo ang mga recruitment agencies upang mabigo ang operasyon ng mga tiwali sa Pilipinas.
link:http://www.abante-tonite.com/issue/apr1011/balitang_promdi01.htm