Hindi na umano nasorpresa si Ombudsman Merceditas Gutierrez sa overwhelming na boto ng House of Representatives sa articles of impeachment laban sa kaniya.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Anacleto Diaz, abogado ni Gutierrez, tinuran ng opisyal na "foregone conclusion" na umano ang nangyari sa plenaryo ng mababang kapulungan.
Sa ginanap na botohan kaninang madaling araw, 210 na mga kongresista ang sumuporta sa House Committee Report 778 na nanawagan para sa impeachment ng respondent, habang 47 lamang ang tutol at apat naman ang nag-abstain.
"Nasabi na namin ito in the past na medyo foregone conclusion na ang sa House, pero nais naming magpasalamat sa mga sumuporta sa aming congressmen," ayon kay Atty. Diaz.
Inihayag din ng abogado na kasama nilang nagpuyat si Ombudsman Gutierrez habang hinihintay ang resulta ng botohan.
"Ang Ombudsman, interesado talaga sa proseso na nangyari. Sabi ko nga kay Ombudsman, "alam mo maam, hindi naman puwede na magtutok kayo dito dahil bukas kailangan ninyong pumasok at magrabaho uli."
Napag-alaman na tumagal ng mahigit walong oras ang deliberasyon ng plenaryo sa articles of impeachment laban kay Gutierrez.
[You must be registered and logged in to see this link.]