LONDON - Sinasabing naghahanda na ang international community sa pag-atake sa Libya anumang oras mula ngayon.
Ito'y kasunod ng mga movements ng mga fighter jets ng iba't-ibang bansa.
Kanina mula sa Scotland, nasa Norfolk, England na ang dalawang RAF Tornados ng Gran Britanya.
Kinumpirma naman ng tagapagsalita sa Glasgow Prestwick Airport sa United Kingdom, na nag-refuel sa paliparan ang mga military planes ng Amerika.
Napag-alaman na France lang ang pagitan ng Libya at London.
May dumating na rin na mga fighter jets ng Amerika at Denmark sa Italy na maaaring gamitin sa no-fly zone.
Samantala, inihayag ng tagapagsalita ni Canadian Prime Minister Stephen Harper na susuportahan ng Canada ang agarang military action laban sa Libya subalit dalawang araw pa umano ang gugugulin sa paghahanda ng military aircraft ng bansa.
Sa ngayon, patuloy ang summit sa Paris kung saan tatalakayin ang hakbang laban sa Libya at 18 bansa ang dumalo sa nasabing pagpupulong. (BBC)
[You must be registered and logged in to see this link.]