TRIPOLI --- Ititigil ng Libya ang lahat ng military operations nito bilang pagsunod sa inaprubahang UN Security Council resolution, ayon kay Foreign Minister Mussa Kussa kahapon.
“Libya has decided an immediate ceasefire and an immediate hall to all military operations,” pahayag ni Kussa sa press conference.
Sinabi ng opisyal na bilang miyembro ng United Nations, obligado ang Libya na tanggapin ang UN Security Council resolutions.
Ang anunsyo ay kasunod ng paghahanda ng koalisyon ng Western nations kahapon upang maglunsad ng quick air strikes sa Libya para mapigilan si Moamar Kadhafi na lumpuhin ang oposisyon sa kanyang kapangyarihan.
Kasunod din ito ng naunang pahayag ni Kadhafi sa isang interview na inere ng Portuguese television na walang mandato ang Security Council para magpasa ng naturang resolution at hindi nila ito kinikilala.
“This is not a war between two countries that permits the council to intervene,” ani Kadhafi.
Nagpulong noong Huwebes ang UN Security Council at pinagbotohan ang resolution na bigyan ng pahintulot ang lahat ng kinakailangang gawin para makapaglagay ng no-fly zone sa Libya at proteksyunan ang civilian areas at magpatupad din ng ceasefire ang military ni Kadhafi.
Limang bansa mula sa may 15 miyembrong Security Council ang hindi bumoto, kabilang ang mga pemanenteng miyembro na China at Russia pero hindi ginamit ng mga ito ang kanilang veto power. Hindi rin bumoto ang India, Brazil at Germany.
Sa ngayon, ang Britain, France, United States, Norway at Qatar pa lamang ang mga bansang nagpahayag na tutulong upang ipatupad ang no-fly zone habang nagbigay naman ng indikasyon ang China, Germany, Poland, Australia at Russia na hindi nila gagawin ito.
[You must be registered and logged in to see this link.]