Hubo’t hubad, duguan at pinutol ang ari nang matagpuan ang bangkay ng
isang lalake sa bayan ng Goa, lalawigan ng Camarines Sur kamakalawa ng
umaga.
Base sa imbestigasyong ginawa ni PO3 Armin Dy
ng Goa Municipal Police Station na isinumite sa Philippine National
Police (PNP) headquarters sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si
Victor Ocampo, 38-anyos, at residente ng Macabebe, Pampanga.
Naniniwala ang mga awtoridad na dinukot ang
suspek sa Pampanga at sa Camarines Sur itinapon ang bangkay nito na may
tama ng bala ng baril sa kanang bahagi ng ulo at pinutol ang kanyang
ari.
Sinabi pa ni PO3 Dy na nagulat na lamang umano
ang mga residente ng Sitio Dumarangis sa Barangay Lamon, Goa ng makita
ang hubo’t hubad na bangkay ng biktima kamakalawa ng umaga.
Samantala, bukod kay Ocampo ay dalawa pang magkahiwalay na pagpatay ang naitala sa nasabing probinsya.
Una, ang pamamaril sa bayan ng Libmanan ng
suspek na si Mario Casil, 48, isang retiradong sundalo, sa tatlong
magkakamag-anak na sina Nicanor, Francisco at Maximo Posugan.
Namatay si Francisco habang ginagamot pa sa pagamutan sina Nicanor at Maximo.
Sumunod naman ang pamamaril sa bayan ng Canaman
na ikinamatay rin ng isang nagngangalang Wilfredo Burago ng isang ‘di
pa nakikilalang suspek.
Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng pulisya
ukol sa sunud-sunod na insidente ng patayan sa kanilang lugar.
orig. link:
[You must be registered and logged in to see this link.]