Shoot-to-kill order ang iniutos kahapon ni Manila Mayor Alfredo Lim laban sa limang pulis Maynila na sinasabing nag-AWOL o absence without official leave, matapos umanong kupitin ang may P12 milyong ransom money mula sa nakidnap na Malaysian national.
“If we are harsh on hardened criminals, the more reason that we should be harsh if the ones committing the crimes are policemen whom the people expect to protect them but prove to be misfits,” paliwanag ni Lim sa ipinalabas nitong shoot to kill order laban sa 5 pulis na sina Senior Inspector Peter Nerviza, SPO3 Ernesto Peralta, PO3 Jefferson Britanico, PO3 Mike Ongpauco at PO1 Rommel Ocampo.
Sa isang press conference na ipinatawag ni Lim kung saan dumalo rin ang Malaysian kidnap victim na si Eric Sim Chin Tong, ipinaabot ng dayuhan ang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ng lungsod.
Aniya, na-appreciate ng Malaysian embassy ang pagtutok sa kanyang kaso.
Pinayuhan naman ni Lim ang mga kapwa pulis na aaresto sa 5 na target ng shoot to kill na maging maingat din, aniya, kahit kabaro ang mga ito ay dapat pa rin na maging alerto dahil armado ang mga ito nang hindi isurender ang kanilang service firearm.
Nilinaw naman ng alkalde na ang shoot to kill order ay ia-apply lamang kung manlalaban ang 5 pulis.
orig. link:
[You must be registered and logged in to see this link.]