WASHINGTON, Japan - Patungo na ng Japan ang 10 naval ships ng Amerika karga ang mga relief aids para sa biktima ng tsunami sa nasabing bansa kasunod ng magnitude 9.0 na lindol.
Bukod dito, dumating na rin kahapon ang USS Ronald Reagan sa Japan at ang maraming rescue teams ng Amerika.
Ang US rescue teams ang nangunguna ngayon sa rescue at retrieval operation sa Japan.
Maging ang Gran Britanya ay nagpadala na rin ng rescue team sa Japan habang nag-alok na rin ng tulong ang China at South korea.
Ayon sa Japanese Foreign Ministry, 69 mga bansa ang nag-alok sa kanila ng tulong bunsod ng nanalasang kalamidad.
Maging ang mga grupo kagaya ng International Red Cross at Red Crescent Societis ay nagpadala ng team sa mga lugar na sinalanta ng tsunami sa Japan.
Ang Mercy Corps International ay nakipagtulungan sa Peace Winds Japan para sa relief operation.
Tumulong din ang Save the Children at Doctors Without Borders.
Sa harap ng nuclear crisis ngayon sa Japan, nagpadala ang Amerika ng radiation-contamination specialists at dalawang opisyal mula sa US Nuclear Regulatory Commission.
Ang USS Ronald Reagan ay nagsimula na ring mag-deliver ng mga reliefs sa Miyagi Prefecture.
Inihayag ni Sgt. Stephen Valley ng US Forces Japan na walong US at Japanese helicopters ang ginamit kahapon sa relief delivery.
Ang US Agency for International Development Disaster Assistance and Response team ang tumatayong overall coordinator ngayon sa Japan sa response effort ng international community.
Ayon kay US Ambassador to Japan John Roos, naka-standby lang ang marami nilang helicopters.
Hanggang sa mga canine dogs ay ipinadala ng Amerika sa Japan.
Ayon kay Los Angeles Fire Department Inspector Don Kunitomi na nasa Japan ngayon, maraming panganib na nakaamba sa mga rescue teams sa Japan kabilang na ang radiation.
Aniya, parang hurricane Katrina at lindol sa New Zealand ang kanilang pinuntahan.
Ang China ay may 15 miyembro ng rescue team na ipinadala sa Japan bitbit ang apat an tonelada nilang equipments at magbibigay ang mga ito ng suplay ng koryente at komunikasyon sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.
Umaabot naman sa 63 ang miyembro ng contingent ng Gran Britanya habang may specialist consular team din ang UK na nasa Japan.
Ipinadala rin ng UK ang 100 metrikong tonelada na rescue equipments.
Ang South Korea ay may dalawang rescue dogs, assistants at mga handlers.
Inaasahang maging madrama umano ang isasagawang rescue operation.
"U.S. experts have been in close consultation with Japanese experts regarding the evolving situation at the Fukushima nuclear power plant," ani Amb. Roos.
Ang International Atomic Energy Agency ay nag-alok ng technical assistance sa Japan dahil sa problema sa mga nuclear plants nito ngayon. (CNN)
link:http://www.bomboradyo.com/index.php/news/international-news/44189-10-us-naval-ships-patungong-japan-69-bansa-na-nag-alok-ng-tulong