gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Dasal, bulaklak, sa 11 Pinoy victims ng NZ quake

    lance77
    lance77
    Registered Member


    Location : Laoag Ilocos Norte/Pangasinan
    Posts : 431

    Dasal, bulaklak, sa 11 Pinoy victims ng NZ quake Empty Dasal, bulaklak, sa 11 Pinoy victims ng NZ quake

    Post by lance77 Sat Mar 05, 2011 9:47 am

    New Zealand quakeNew Zealand quakeNEW ZEALAND -- Nagdasal at nag-alay ng bulaklak ang pamilya ng Filipino nurse na kabilang sa natabunan ng gumuhong Canterbury Television (CTV) building sa Christchurch City, kasunod ng 6.3 magnitude na lindol noong nakaraang linggo.
    Nagtungo sa Christchurch City ang pamilya ni Rhea Mae Sumalpong, para mag-alay ng dasal at bulaklak sa 11 mga Filipino na nasawi sa trahedya.

    Ayon sa report, mahigpit ang pagbabantay ng mga otoridad sa lugar, kung saan nangangailangan ng official accreditation mula sa New Zealand military ang nais pumasok sa ground zero.

    Una rito, itinakda ng New Zealand government ang national memorial service para sa mga biktima ng trahedya.

    Ayon kay Prime Minister John Key, kailangan na umanong tanggapin ng mga biktima at kanilang pamilya ang katotohanan sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.

    "Sadly today's announcement confirms that we must now confront the permanence of that loss. To the families from New Zealand and overseas, many of whom I have now met at their daily meetings, can I offer my heartfelt sympathies at your loss. All New Zealanders grieve with you and are thinking of you," ayon sa pahayag ng opisyal.



    original link:http://www.bomboradyo.com/index.php/news/top-stories/43032-dasal-bulaklak-sa-11-pinoy-victims-ng-nz-quake

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 7:56 pm