gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    11 Pinoy sa NZ quake, 'pressumed dead' - DFA

    lance77
    lance77
    Registered Member


    Location : Laoag Ilocos Norte/Pangasinan
    Posts : 431

    11 Pinoy sa NZ quake, 'pressumed dead' - DFA  Empty 11 Pinoy sa NZ quake, 'pressumed dead' - DFA

    Post by lance77 Thu Mar 03, 2011 2:32 pm

    Thursday, 03 March 2011 11:06

    New Zealand quakeIdineklara ng "pressumed dead" ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 11 Filipinos na nawawala matapos ang 6.3 magnitude na lindol na tumama sa New Zealand noong nakaraang linggo.

    Kinumpirma ngayon ni acting Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na tumawag na sa kaniya ang foreign minister ng New Zealand para ipaalam na missing pa rin hanggang sa kasalukuyan ang mga biktima na pinaniniwalaang natabunan ng mga gumuhong gusali sa Christchurch City.

    Nagpaabot na rin umano ng pakikiramay ang New Zealand government sa pamilya ng mga biktima.

    Iniulat din ni Sec. Del Rosario na nakatakdang tapusin na ng mga otoridad ang search at rescue operations para sa mga biktima pagkalipas ng siyam na araw para masimulan ang recovery efforts.

    Batay sa talaan ng DFA, kabilang sa mga idineklarang missing Filipinos sa New Zealand quake ay sina: Jessie Lloyd Redoble, John Kristoffer Chua, Ezra Mae Medalle, Emmabelle Anoba, Jewel Francisco, Ivy Jane Cabunilas, Mary Louise Anne Amantillo, Valquin Bensurto, Rhea Mae Sumalpong, Erica Nora at Lalaine Agatep.

    Kasabay nito, muli namang tiniyak ng DFA na patuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga government officials ng New Zealand para sa pagrekober sa labi ng mga biktima.



    original link:http://www.bomboradyo.com/index.php/news/stories-of-the-day

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 8:11 pm