MOSCOW, RUSSIA – Nangunguna ngayon si Filipino Grandmaster Darwin Laylo (Elo 2516) sa Aeroflot Chess Open Championship, sa Moscow, Russia, kasama ang tatlo pang iba pagkatapos ng anim na round.
Ito ay pagkatapos na manalo ni Laylo kontra Bayarsaikhan Gundavaa (Elo 2493) ng Mongolia sa round 6 ng torneo.
Si Laylo ay mayroon ng kabuuang 5 points, sa pamamagitan ng apat na panalo at dalawang tabla, kung saan kasama nya sa liderato sina GM Tigran Kotanjian (Elo 2519) ng Armenia, GM Wen Yang (Elo 2509) ng China at GM Dorian Rogozenco (Elo 2534) ng Russia.
Nanalo rin sina IM Oliver Barbosa at IM Oliver Dimakiling sa round 6 sa Group B, kung saan si Dimakiling ay nasa pang-30 pwesto na may 3.5 points, samantalang si Barbosa ay nasa pang-72 pwesto na may 2.5 points.
Hindi naman pinalad si GM John Paul Gomez (Elo 2527) na natalo ni Rogozenco sa round 6 at ngayon ay nasa pang-lima hanggang pang-sampung pwesto na may 4.5 points.
Hindi pa rin nananalo si GM Wesley So (Elo 2673) sa Group A dahil nauwi sa tabla ang laro nila ni Fide Master Roman Nechepurenko (Elo 2546) ng Russia sa round 6.
Sa hindi pa malamang kadahilanan, hindi maglalaro si So sa round 7 ng torneo.