gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Rest In Peace Dolphy!

    HYPERTEK
    HYPERTEK
    Site Owner
    Site Owner


    Location : Banga Town
    Posts : 3948

    Character sheet
    INCSA:

    Rest In Peace Dolphy! Empty Rest In Peace Dolphy!

    Post by HYPERTEK Wed Jul 11, 2012 12:21 am

    [You must be registered and logged in to see this link.]


    Labing-limang araw bago ang kanyang ika-84 taong kaarawan, pumanaw na ang comedy king na si Dolphy.

    Ito ang kinumpirma mismo ng kanyang long time partner na si Zsazsa Padilla.

    Ganap na alas-8:40 ngayong gabi nang bawian ng buhay ang tinaguriang King of Philippine Comedy.

    Una rito ay naging maselan muli ang kondisyon ng kalusugan ni comedy
    king matapos itong dapuan muli ng pneumonia habang patuloy na ginagamot
    sa Makati Medical Center.

    Nabatid na sa mga nakalipas na araw ay bumubuti na ang kondisyon nito kung saan panay ang bigkas nito sa salitang "uwi na."

    Una ng isinailalim sa dialysis at iba pang tests ang hari ng komedya kahapon.

    Habang kanina ay isinailalim ito sa platelet apheresis at X-ray.

    Napag-alaman na una ng hiniling ng pamilya na sa bahay na lamang ituloy
    ang treatment kay Dolphy subalit hindi ito pinagbigyan ng kanyang
    doktor.

    Sa halip ay inabisuhan ito na magpahinga lang ng husto.

    Si Dolphy o Rodolfo Vera Quizon, Sr. sa tunay na buhay ay ipinanganak noong July 25, 1928 sa Tondo, Maynila

    Pangalawa ito sa 10 magkakapatid.

    Nagsimula itong mag-aral noong anim na taong gulang at favorite subjects ang History at Arithmetic.

    Binansagan si Dolphy bilang "King of Comedy" dahil sa kanyang talento sa pagpapatawa sa alinmang ibigay na proyekto.

    Nabatid na 19-anyos ang comedy king nang unang beses magbigyan ng break
    sa isang pelikula na pinamagatang "Dugo at Bayan (I Remember Bataan)"
    kasama ang yumao na ring si Fernando Poe Jr.

    Maliban sa pelikula, ay bibo rin si Dolphy sa entablado, radyo, at telebisyon at maging sa may gay roles.

    Matapos sa pelikulang "John and Marsha" noong 1971, mas naging tanyag pa
    si Dolphy sa TV series na Home Along Da Riles noong 1992 kasama ang
    aktres na si Nova Villa at anak na si Vandolph.

    Huling kinatampukang pelikula ng hari ng komedya ay ang "Father Jejemon"
    na Metro Manila Film Fest entry noong 2010 kung saan siya nanalo bilang
    best actor.

    Kung maaalala, umani ng batikos mula sa mga opisyal ng Simbahang
    Katoliko ang nasabing pelikula dahil sa sinasabing pambabastos nito sa
    bokasyon ng pagiging pari.

    Ilan pa sa mga pelikula ni Dolphy ay ang "Tatay na si Bondying" (1955);
    Together Again (1967); "Bugoy" (1979); My Juan en only (1982);
    Aringkingking (1997); Nobody, Nobody But... Juan (2009) at marami pa.

    Narito naman ang ilang parangal na nasungkit ni Dolphy:

    Special Awards

    Lifetime Achievement Award PASADO Awards
    2005 FAMAS Huwarang Bituin
    2009 Guillermo Mendoza Foundation Awards, Comedy Box-Office King (with Vic Sotto)

    Awards for acting

    FAMAS Awards
    1978 Best Actor Winner, Omeng Satanasia

    Metro Manila Film Festival

    1974 Best Actor Winner (Manila Film Festival)
    1990 Best Actor Winner, Espadang Patpat
    2010 Best Supporting Actor Winner, Rosario
    2010 Best Actor Winner, Father Jejemon

    Ngayon ay maraming fans ang nagpapanukala na unahing kilalanin si Dolphy bilang national artist.

    Maging si Dolphy ay inamin na hangad niyang siya ang gawaran ng pagiging
    National Artist dahil kakaiba at ultimate ito kompara sa iba pang mga
    recognition.

    Pero nilinaw naman ng ilang opisyal na ang paggawad ng national artist
    ay walang kinalaman ang Kongreso at maging ang Malacañang dahil
    nakaatang ito sa balikat ng Cultural Center of the Philippiens at
    National Commision for Culture and Arts (NCCA).

    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Oct 04, 2024 3:36 pm