gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    First aid sa na-high blood

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    First aid sa na-high blood  Empty First aid sa na-high blood

    Post by jezz_wazz Thu Feb 23, 2012 11:35 am

    KAPAG ang blood pressure[You must be registered and logged in to see this link.] n’yo ay lampas sa 140 over 90, marahil ay may high blood ka na. Ngunit kapag ika’y pagod, nagagalit o nage-ehersisyo, tataas din ang iyong presyon pero hindi ibig sabihin ay high blood [You must be registered and logged in to see this link.] ka na. Ang tamang pagkuha ng blood pressure ay kung ika’y nakapahinga at walang ginagawa.

    Ano ang sintomas ng high blood? Kadalasan ay walang nararamdaman ang isang taong may high blood. Kaya nga tinatawag na “silent killer” ang high blood pressure [You must be registered and logged in to see this link.] dahil nanganganib na pala ang buhay ng pasyente pero wala pa siyang nararamdaman. Pero may ilang tao ang nakararanas ng sintomas tulad ng pananakit ng batok, mabigat ang ulo at pagkahilo.

    Heto ang first aid para sa mga na-high blood:

    Siguraduhing tama ang pagkuha ng blood pressure. Kapag palagi itong mataas sa 140 over 90, ito ang nangangahulugang may high blood ka na.

    Ipagpahinga ang pasyente ng 15 minuto. Sabihin sa kanya na huminga ng mabagal at malalim. Pagkatapos ay kuhanan muli ng blood pressure.

    Kung may maintenance medicines ang pasyente para sa high blood pressure, ipainom ito sa kanya.

    May 2 pagkakataon kung kailan puwedeng bigyan ng karagdagang gamot ang pasyente: (1) Kapag ang blood pressure ay lampas sa 140/90 at may nararamdaman ang pasyente, at (2) kapag ang blood pressure ay lampas na sa 160/100.

    Ang pangkaraniwang first aid medicine na ibini-bigay para bumaba ang presyon ay ang (1) Clonidine (Brand name: Catapres) 75 mcg, isang tableta lamang o (2) Captopril 25 mg, isang tableta rin.


    6. Tandaan na hindi lahat ng mataas ang pres­yon ay kailangan bigyan agad ng gamot sa high blood. Minsan ay kaila-ngan lang ma-relax ang pasyente.

    7. Depende sa kondis­yon ng pasyente, puwede mo siyang dalhin sa Emergency Room ng ospital o ipakonsulta sa klinik ng doktor.

    Maraming kompli­kas­yon ang high blood pressure katulad ng stroke (pagdugo sa utak), pag-kabulag, sakit sa bato at atake sa puso. Magpatingin sa doktor kapag ang presyon niyo ay lampas 140 over 90 para ma­ bigyan kayo ng lunas.

    Good luck po.


    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Oct 04, 2024 4:22 pm