gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Sakit sa taglamig

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Sakit sa taglamig  Empty Sakit sa taglamig

    Post by jezz_wazz Thu Dec 15, 2011 5:18 pm

    MAY mga sakit na lumalala kapag malamig ang panahon.
    Dahil pabagu-bago ang ating panahon, minsan mainit at minsan umuulan,
    heto ang mga sakit na dapat nating ingatan:

    1. Trangkaso o flu —Kung taglamig, mas lumalakas ang mga
    virus na nagdadala ng trangkaso (flu o influenza sa Ingles). Nagmumula
    ang mga virus na ito sa pasyenteng may trangkaso. At kapag sila’y umubo,
    puwedeng malipat ang virus sa mga pangkaraniwang bagay tulad ng mesa,
    gamit, computer at cell phone. Puwedeng mabuhay ang mga virus na ito ng
    hanggang 24 oras sa mga kaga-mitan sa bahay. Mag-ingat at baka mahawa
    rito.

    Tips: (1) Lumayo sa mga taong inuubo. Baka
    malang­hap mo ang mga virus na nagmumula sa kanilang lalamunan, (2)
    Maghugas ng kamay palagi o mag-alcohol, (3) Linisin ang kagamitin sa
    bahay, (4) Umiwas sa mga lugar na may maraming tao at baka mahawa, (5)
    Magsuot ng jacket kapag malamig, (6) Magdala ng pa-yong para may
    proteksyon ka sa init ng araw at buhos ng ulan, (7) Magpabakuna ng flu
    vaccine, at (8) Kapag may-trangkaso ka na, huwag manghawa ng iba.
    Magpahinga sa bahay at uminom ng maraming tubig.

    2. Sakit sa puso — Sa mga may sakit sa puso, kaila-ngan
    tayong mag-ingat sa sobrang init at sobrang lamig ng panahon. Ang
    pinakamainam na temperatura ng panahon ay 25 degrees Celsius. Kapag mas
    malamig o mas mainit dito, medyo nahihirapan ang ating katawan. Ang
    malamig na panahon ay puwedeng magpalapot ng dugo at magpakipot ng ugat
    sa puso.

    Tips: (1) Inumin ang iyong mga maintenance na
    gamot. Huwag itong ihihinto ng walang pahintulot ng doktor, (2) Huwag
    maligo ng malamig na tubig. Baka makasama ito sa iyong puso, (3) Huwag
    ding matulog na nakatapat sa Air-conditioner o electric fan.

    Arthritis —Alam ng mga may edad na kapag taglamig ay mas masakit ang kani­lang
    kasu-kasuan. Para bang naninigas ang ka­nilang litid at nahihirapan
    silang galawin ang ka­ nilang kamay at paa sa umaga. Osteoarthritis ang
    tawag sa sakit na ito at halos lahat ng tao ay magkakaroon nito.

    Tips: (1) Magsuot ng guantes at medyas sa gabi
    para hindi malamigan ang iyong kamay at paa, (2) Magsuot ng jacket kung
    maginaw sa iyong pupuntahan, (3) Paggising sa umaga, mag-unat-unat muna
    ng kamay at paa para lumuwag ang mga litid. Pagkaraan ng 30 minutos ay
    mababawasan na ang paninigas ng iyong kamay at paa, (4) Kung kayo’y
    mataba, magbawas ng timbang para hindi matagtag ang iyong tuhod at paa.


    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Sat Nov 16, 2024 2:14 am