LAOAG CITY – Lumalala umano ang sakit ng wanted vice mayor ng Bacarra, Ilocos Norte na si Pacifico Velasco.
Ito ang laman ng kanyang sulat kay Mayor Nicomedes de la Cruz kasabay ng hirit na palawigin ang kanyang bakasyon.
Ayon kay Velasco, kailangan pa niyang ipagpatuloy ang pagpapagamot ng kanyang prostate disease at diabetes.
Dahil dito, bagama't kuwestiyonable kay Mayor de la Cruz ang dahilan ng bise alkalde ay muling pinagbigyan ang kahilingang dagdag na bakasyon.
Pero muling nanawagan si Mayor de la Cruz sa mga kinauukulang ahensiya at kay Governor Imee Marcos na umaksyon sa sitwasyon.
Mahigit isang taon na kasing nakabakasyon ang opisyal na pinaniniwalaang nagtatago dahil sa kanyang warrant of arrest.
Una rito, tiniyak ng alkalde na hindi na bibigyan pa ng extension ang pagbabakasyon ni Velasco na tapos na sana noong September 18.
[You must be registered and logged in to see this link.]