Dok, puwede ba mag-sex kahit may regla ang babae?
Oo, puwede mag-sex kahit may regla. Safe na safe ang babae at
siguradong hindi siya magbubuntis. Kaya lang, medyo makalat at madumi
lang. Maghugas maigi pagkatapos mag-sex at pilitin din umihi bago
matulog. Ito ay para hindi magkaroon ng impeksyon sa ihi o UTI.
Kailan ba ligtas makipagtalik para hindi mabuntis ang babae?
Ayon kay Dr. Angela Du, isang tanyag na obstetrician-gynecologist,
ligtas ang babae makipag-sex 7 araw mula sa unang araw niyang
pagreregla. Ligtas din siya sa loob ng 7 araw bago dumating ang susunod
na regla. Kung 28 araw ang haba ng period ng babae, may 14 na araw kang
safe at 14 na araw na hindi safe.
Ang komputasyon na ito ay mula sa pagsusuri na nabubuhay ang egg cell
ng babae sa loob ng 24 oras. Ang semilya ng lalaki naman ay nabubuhay
ng 3 araw mula ng mailabas ito.
Paano naman iyung 14 na araw na hindi ligtas ang babae?
Puwede po kayong gumamit ng condom o umiwas muna sa sex.
Safe ba ang withdrawal method sa lalaki?
Ang withdrawal method ay isang paraan ng birth control kung
saan tinatanggal ng lalaki ang kanyang ari bago makalabas ang kanyang
semilya. Mahirap po itong gawin at hindi ito tumpak na paraan ng birth
control. Ito’y dahil kahit hindi pa nag-orgasm ang lalaki, may konting
semilya na ang lumalabas.
Isa pa, hindi rin makasisiguro ang lalaki na kaya niyang hugutin ang
kanyang ari bago siya mag-orgasm. Baka mahuli siya ng isang segundo, at
tuloy magbuntis ang babae.
Puwede bang manigarilyo habang umiinom ng pills?
Hindi puwede! Masa-ma ang paninigarilyo lalo na kung umiinom ka ng
birth control pills. Kahit 4 na stick lang ang hinihithit mo bawat araw,
puwede ka nang magkaroon ng komplikasyon.
Ito’y dahil nagpapatong ang side effect ng pills at ng paninigarilyo. Puwedeng lumapot ang iyong dugo at
magdulot ng atake sa puso at istrok. Itigil na ang paninigarilyo!