LAOAG CITY - Umaabot sa 54 na kilo ng bronze wire mula sa sinunog na kable ng telepono ang narekober ng mga pulis sa bahay ng isang barangay tanod sa Dingras, Ilocos Norte.
Kinilala ang barangay tanod na si Albert Juan na agad tumakas nang makita ang mga pulis kaninang madaling araw.
Ayon kay SPO4 Patricio Salem, isinagawa ang operasyon matapos makita ang makapal na usok habang sila ay nagpapatrolya pasado alas-3:00 ng madaling araw.
Nang matunton ang lugar ay agad tumakas si Juan at mga kasamahan habang nadiskubre sa loob ng compound ng bahay ang mga bronze wire na nakasilid na sa sako at nakahandang ibenta.
Patuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang iba pang nasa likod ng pagnanakaw ng mga kable ng telepono sa iba't ibang bahagi ng lalawigan.
[You must be registered and logged in to see this link.]