Pinanindigan ng Hollywood socialite at hotel heiress na si Paris Hilton ang pagiging avid fan nito kay eight world division champion Manny Pacquiao.
Napag-alaman na suot ni Paris ang Manny Pacquiao T-shirt nang magtungo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal para bumalik sa Amerika.
Todo pose ito sa mga nakapaligid na camera at pinagbigyan ng last minute picture taking at autograph ang kanyang mga fans. Paulit-ulit din nitong sinabi ang mga katagang "I love Philippines and I love you all."
Mahigpit na seguridad ang ipinatupad sa pag-alis ni Hilton sa bansa matapos ang kanyang 5-day visit para sa ilang proyekto rito.
Kabilang sa kanyang mga naging aktibidad sa Pilipinas ay ang dinner kasama ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao na aniya'y "cute, amazing couple."
Dalawang tagasuporta rin nito ang masuwerteng nayakap ng "Stars Are Blind" singer at isa rito ay hinalikan pa niya sa pisngi.
Binuksan din nito ang kanyang ikaapat na boutique sa SM Megamall kung saan maging ang ilang Pinoy celebrities tulad nina Melissa Ricks at Angel Aquino ay nakipagsiksikan sa event.
Business partner na rin siya ng Century Properties kung saan tutulong si Hilton na magdisenyo ng beach clubhouse sa Azure Residences, isang 6-hectare residential development na resort-inspired theme.
Kasabay nito nagpasalamat din ang American socialite sa warm welcome na natanggap mula sa mga Pinoy at ipinangakong muling babalik dito sa Pilipinas.
link:http://www.bomboradyo.com/news/entertainment-news/72546-paris-hilton-todo-pose-suot-ang-pacman-t-shirt-pag-alis-sa-phl
[You must be registered and logged in to see this link.]