Pumayag na umano ang pamilyang Marcos na
sa kaniyang home province na lamang sa Ilocos Norte ilibing si dating
Pangulong Ferdinand Marcos.
Inihayag ni Vice President Jejomar Binay
ang nabanggit na plano kasunod ng ginawa umanong pakikipagpulong ng
opisyal kay dating first lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda
Marcos.
Ayon pa kay Binay, maituturing na
umanong "moot and academic" ang usapin tungkol sa paglilibing sa dating
pangulo sa Libingan ng mga Bayani.
Si Binay ay personal na tumungo kanina sa Ilocos Norte kung saan nagsilbi siyang panauhing pandangal sa Ablan Day.
Dagdag pa ni Binay, inaasahan na sa mga
susunod na araw ay ilalabas na ang opisyal na pahayag kaugnay sa libing
ng former president.
"Ang Marcos issue, may dalawang aspekto.
Unang-una, kung ililibing sa Libingan ng mga Bayani. Okay na ‘yon.
Pumayag na ang Marcos family na sa Ilocos ilibing si dating Pangulong
Marcos. ‘Yong ikalawang part (military honors) na lang 'yong dapat
nating plantsahin at malapit nang mangyari ‘yon," ani Binay.
Si Marcos ay naging pangulo ng Pilipinas sa loob ng mahigit 20 taon.
Napatalsik ito sa puwesto noong 1986 kasunod ng makasaysayang EDSA People Power I.
Taong 1989 ng mamatay ito sa Hawaii habang nasa exile ang buong pamilya nito.
Taong 1993 nang maiuwi sa bansa ang labi
ni Marcos at mula noon nakalagak lamang ang bangkay nito sa isang ataul
na gawa sa salamin sa loob ng isang temperature-controlled mausoleum sa
kanilang ancestral house sa Batac, Ilocos Norte.
[You must be registered and logged in to see this link.]