gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Ang pagbabalik ni Ping Lacson

    HYPERTEK
    HYPERTEK
    Site Owner
    Site Owner


    Location : Banga Town
    Posts : 3948

    Character sheet
    INCSA:

    Ang pagbabalik ni Ping Lacson Empty Ang pagbabalik ni Ping Lacson

    Post by HYPERTEK Mon Mar 28, 2011 4:07 pm

    Tamang-tama ang pagbalik ni Sen. Panfilo Lacson.

    Ngayong araw, magpi-presscon siya doon sa Senado. Dumating siya noong Sabado sa Cebu mula Hong Kong. Mula Cebu pumunta na siya sa Manila.

    Bago nagbakasyon ang Kongreso noong nakaraang linggo, binigay ng mga kongresista ang Articles of Impeachment laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez. Sa pagbalik ng mga senador galing bakasyon sa ikasiyam ng Mayo, magsisimula na ang trial. Apat na araw daw sa isang linggo ang impeachment trial at patuloy naman ang pagtatrabaho nila ng kanilang ibang katungkulan bilang senador.

    Labing-anim na boto ang kailangan para ma-convict si Gutierrez. Siguro naman walang duda na kung ano ang magiging panindigan ni Lacson sa impeachment trial na ito.

    Karamihan sa anim na kaso na kasama sa Articles of Impeachment ay si Lacson ang nagbulgar. Si Lacson ang sumuporta sa mga whistleblowers na tumaya rin ng kanilang buhay para lang mailabas ang katotohanan sa ginawa ni Gloria Arroyo at ang kanyang asawang si Mike sa paglabag ng batas para lang manatili sa kapangyarihan kasama na riyan ang pagbusog ng kanilang mga kasabwat gamit ang pera ng bayan.

    Sa lahat na pagsasamantala nina Arroyo sa taumbayan, nagbulag-bulagan si Gutierrez at hindi niya ginawa ang kanyang trabaho na mag-imbestiga at papanagutin ang may kasalanan.

    Ang pinakamalakas na kaso sa anim na kasama sa Articles of Impeachment ay ang fertilizer scam. ‘Yun ang paggamit ni Arroyo ng P729 milyon na dapat ay tulong sa mga magsasaka pambili ng abono.

    Ayon sa imbestigasyon, sa pagitan ng pagmaniobra ni da*ting Agriculture Secretary Jocelyn ‘Joc-Joc’ Bolante, matalik na kaibigan ni Mike Arroyo, nagamit nila ang pera para sa kampanya ni Arroyo noong 2004. Ang pangunahing witness sa kaso na ‘yun ay si Jose Barredo Jr. na nagkasakit sa puso at naghirap sa buhay. Samantalang kinalimutan na sila ng Senado, si Lacson lang talaga ang tumulong sa kanya hanggang ngayon.

    Kaya bago pa nagdesisyon ang Court of Appeals na pinal na ang pagbasura sa kaso laban kay Lacson at hindi siya maaaring arestuhin, nagbigay ng suporta ang Whistleblowers Asso*ciation na pinamumuan ni Sandra Cam sa senador.

    “Magkakapit-bisig kami ni Senator Lacson noong nakipagsalpukan sa mga may kapangyarihan sa rehimeng Arroyo. Ang mga duwag noong panahon ng kadiliman ay ngayon biglang bumalim*bing, nag-ober da bakod at nagpapanggap na “whistleblower” o “truth teller”. Nasaan sila noong panahon ng giyera? Bakit ngayon lang, kung kalian “peace time na?” may pagdamdam nilang pahayag.

    Sabi nila, “Si Senator Lacson ay nanatiling tunay, sa hirap at ginhawa. Kasama ang mga genuine whistleblowers, ang tama ay ipinaglaban at mali nilabanan.”

    Ang nakapirma sa statement maliban kina Cam, witness sa jueteng scandal, at Barredo ay sina dating Master Sgt. Cesar Doble at Capt. Marlon Mendoza, mga witness sa “Hello Garci” scandal; Dante Madriaga, witness sa NBN/ZTE; Noel Baviera, witness sa banking investigation; at Atty. Melchor Magdamo, witness sa Ballot Secrecy Folders anomaly.



    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 11:22 pm