Muling magsasagawa ng drug test ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa susunod na linggo.
Ito ang napag-alaman sa Public Relation and Information Division (PRID) ng Kamara kahapon kunng kapulungan ang pagpapasailalim sa drug test.g saan pangungunahan umano ng mga lider
Ayon sa hepe ng PRID na si Celine Buencamino, isasagawa ang drug test sa Martes upang masiguro na walang miyembro ng Kamara ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ayon naman sa chairman ng House committee on dangerous drugs na si Lanao del Norte Rep. Vicente Belmonte Jr., layunin ng drug test na ipakita ng mga mambabatas na malinis ang mga ito sa anumang uri ng droga.
“This is the time to prove that there are not using any illegal substances,” pahayag ni Belmonte.
Subalit nilinaw din nito na voluntary at hindi oobligahin ang mga miyembro ng Kamara sa drug test.
Sa 284 miyembro ng Kongreso ay wala pang 30 ang sumailalim sa drug test na isinasagawa ng PDEA.
Ito ang dahilan kaya mismong ang mga lider na ng Kamara ang mangunguna sa drug test sa susunod na linggo upang mahikayat ang lahat na sumailalim na nasabing pagsusuri.
Ang Kamara ay nagulantang nang mahuli si dating Ilocos Sur Rep. Ronald Singson sa Hong Kong dahil sa dala nitong cocaine kung saan umamin ito na gumagamit ng droga.
Naging dahilan ito para masentensyahan ng 18-buwan na pagkakulong si Singson sa Hong Kong na sinundan ng kanyang pagbibitiw bilang miyembro ng Kamara.
[You must be registered and logged in to see this link.]