NEW DELHI, India - Kung dati ay hindi
binibigyang pansin, ngayon ay usap-usapan na sa India ang tinaguriang
snake-charmer sa nasabing bansa.
Ito'y makaraang nagpakawala ng
dose-dosenang ahas si Hakkul sa tax office sa estado ng Uttar Pradesh
upang magprotesta dahil sa hindi pag-aksyon ng mga opisyal sa kaniyang
aplikasyon para sa lupa.
Napatalon ng kanilang mesa ang mga
empleyado ng tax office habang ang iba ay napatakbo plabas ng gusali
nang pakawalan ni Hakkul ang mga ahas na nakasilid sa tatlong bag,
kabilang na ang mga makamandag na cobra.
Ayon sa pinuno ng land revenue
distribution na si Subhash Mani Tripathi, nag-apply ng lupa si Hakkul
kung saan niya aalagaan ang kaniyang mga ahas ngunit wala raw ganitong
batas.
Pero sa halip aniya na hintayin ang
sulat ng ahensiya, binulabog at tinakot ni Hakkul ang mga empleyado nang
pakawalan ang mga ahas.
"But there is no provision for such a
business. Instead of seeking a written reply, which we would have
issued, Hakkul created panic by letting loose a bunch of snakes all over
the office," ani Tripathi.
Paliwanag ni Hakkul, dalawang taon ang
nakaraan nang pangakuan siya ng lupa para sa kaniyang mga ahas ngunit
hanggang ngayon daw ay hindi binigay.
Isa raw siyang conservationist at
matagal nang hinihingi ang tulong ng gobyerno para sa pag-aalaga ng
kaniyang ahas pero naubusan na raw siya ng pasensiya.
Nakipaghabulan naman ang pulisya sa mga ahas upang madakip ang mga ito. (AFP)
[You must be registered and logged in to see this link.]