Ang DASH (Dietary Approaches to Stop Hypertension) Diet ay ginawa ng
mga dalubhasang doktor upang gabayan ang mga taong may alta presyon sa
tamang pagkain. Ibinahagi ni Dr. Victor Vesuna, isang espesyalista sa
Integrative Medicine, ang mga nakapaloob sa DASH Diet:
1. Kumain ng dalawa hanggang dalawa’t kalahating tasa ng prutas at gulay araw-araw
2. Kumain ng mga mayaman sa fiber tulad ng
pasta, kanin, legumes (tulad ng munggo, sitaw at beans), cereals at iba
pang mga pagkaing mula sa whole grain
3. Mainam rin ang isda, manok na walang balat at karneng walang taba
4. Iwasan ang labis na pag-inom ng alak
5. Bawasan ang paggamit ng asin sa pagkain
Napakahalaga ng pagbabawas ng sodium upang iwasan ang
pagtaas ng presyon o blood pressure. Ngunit napakahirap din nitong
iwasan dahil ang asin na mataas sa sodium ay isa sa mga pangunahing
pampalasa ng pagkain.
Ayon kay Dr. Vesuna, maaaring gumamit ng monosodium
glutamate (MSG) o vetsin upang mabawasan ang paggamit ng asin sa
paghahanda ng malasa at malinamnam na pagkain. Bukod sa napatunayang
ligtas sa buntis at mga sanggol, mababa ang sodium ng MSG kumpara sa
asin kaya angkop ito para sa DASH Diet.
Ang DASH Diet ay isang mainam na paraan upang maibsan ang
alta presyon. Mas magiging epektibo pa ito kung sasamahan ng regular na
pag-eehersisyo.
Ayon din sa maraming health professionals, ang DASH Diet
ay makakatulong rin sa pagkakaroon ng isang malusog na puso, pagpapababa
ng cholesterol at pag-iwas sa diabetes.
[You must be registered and logged in to see this link.]