Inireklamo ng grave threat ng isang mag-asawa ang dating basketball
player na si Paul Alvarez matapos nitong bunutin ang kanyang baril at
pagsalitaan ng hindi maganda ang mag-asawa makaraang magkaroon ng hindi
pagkakaunawaan sa trapiko kahapon ng umaga sa Quezon City.
Humingi ng tulong sa himpilan ng Police Station 7 ng
Quezon City Police District ang biktimang sina Ricardo Balicas,
empleyado ng St. Pedro Poveda College at asawa nitong si Rachel. Kasama
din ng mag-asawa ang kanilang 8-anyos na anak na babae nang mangyari ang
insidente.
Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa kahabaan ng
Southbound lane ng EDSA partikular sa may bahagi ng Santolan flyover
ganap na ala-sais ng umaga.
Ayon kay Balicas, sakay sila ng kanilang Kawasaki
Motorcycle na may plakang OY-2004 at papaahon sa may P. Tuazon sa Cubao
nang bigla umano silang gitgitin ni Alvarez na sakay ng kanyang silver
na Mercedez Benz na may plakang XKV-828.
“Bigla na lang siyang bumusina ng malakas, nagulat kami,
bumusina din po ako tapos huminto siya sa harap namin,” sambit ni
Balicas.
Binuksan umano ni Alvarez ang pintuan ng kanyang sasakyan
at pinagsalitaan ng masasama ang mag-asawa at hinugot ang kanyang baril.
Ang PBA superstar na si Alvarez ay nagsimulang maglaro ng
basketball noong 1989 sa koponan ng Alaska at huling naglaro para sa
koponan ng Red Bull noong 2004-2005 season.
[You must be registered and logged in to see this link.]