KAPOLEI, Hawaii - Idineklara ni US President Barack Obama na ang tagumpay ng Asia-Pacific region ang magiging susi sa pag-ahon ng ekonomiya ng Amerika.
Ito'y kasabay ng pagtatapos ng APEC Leaders' Summit sa Hawaii kung saan siya ang host.
Ayon kay Obama, makakabalik lang sa trabaho ang maraming mamamayan sa Estados Unidos, kung tagumpay aniya ang Asia-Pacific region bilang "engine" o makina ng mundo.
Dagdag pa ni Obama, pangunahing prayoridad ito ng Amerika.
"We consider it a top priority," ani Obama.
Napag-alaman na simula nang maupo sa puwesto, binuhusan ng atensyon ni Obama ang Asia-Pacific region.
Pero bukod sa paghahanap ng karagdagang trabaho, sikreto rin na nag-lobby si Obama sa mga lider ng 21 APEC nations para tulungan siyang masugpo ang nuclear program ng Iran.
Binigyang diin ni Obama na ang trabaho ng APEC at Amerika ay ang magtulungan at magbigay ng trabaho.
"Our citizens have sent us here with a common task: to bring our economies closer together, to cooperate, to create jobs and prosperity that our people deserve so that they can provide for their families," dagdag pa ni Obama.
Sa nasabing APEC Summit, hindi pinalampas ni Obama na magpasaring sa mga lider ng Russia at China dahil sa pagiging maluwag sa Iran.
Subalit natapos ang summit na walang nakuhang suporta si Obama sa alinmang lider ng dalawang bansa kaugnay sa nuclear program ng Iran. (AP)
[You must be registered and logged in to see this link.]