gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    PPUR, pasok sa 7 New Wonders of Nature

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    PPUR, pasok sa 7 New Wonders of Nature  Empty PPUR, pasok sa 7 New Wonders of Nature

    Post by jezz_wazz Sat Nov 12, 2011 10:58 am

    Pasok ang Puerto Princesa Underground River (PPUR) ng Palawan sa provisional New Seven Wonders of Nature.

    [You must be registered and logged in to see this link.]

    Sa inilabas na first count of votes sa official website ng New7Wonders Foundation na [You must be registered and logged in to see this link.] kabilang ang likas na yaman mula sa Pilipinas sa mga panibagong tourist attraction sa mundo.

    Kabilang din sa mga panalo sa New Seven Wonders of Nature ay ang Amazon, Halong Bay, Iguazu Falls, Jeju Island, Komodo, at Table Mountain.

    Ihahayag ang pinal na mga nanalo sa unang bahagi ng taong 2012.

    “We congratulate each of these participants on achieving their provisional New7Wonders of Nature status, and look forward to completing the confirmation process to celebrate each one in their own official inauguration ceremony early in 2012," bahagi ng pahayag ng New7Wonders Foundation. “The new wonders that have been selected are the people’s choices." The new Wonders of Nature will then “bring our natural heritage onto the same level of appreciation as that which has been made by humans."

    Una rito, kumpiyansa si Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn na malakas ang laban ng pambato ng Pilipinas sa New 7 Wonders of Nature na Puerto Princesa Underground River.

    Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Hagedorn, sinabi nito na talagang hindi malayong mapabilang ang Pilipinas sa inaasam na puwesto kung patuloy na magkakaisa ang mga Pinoy sa pagboto.

    "I'm confident mananalo po tayo lalo na kung magkakisa lahat ng Pilipino na patuloy an bumoto para sa Underground River," wika ni Hagedorn.

    Bago inanunsyo ang mga pumasok sa Top 7, tinaya ng alkalde na aabutin sa 50 million na ang nakuhang boto ng PPUR.

    Sinabi pa ni Hagedorn, malaking bagay kung makakapasok ang PPUR dahil ngayon pa lang ay patuloy na ang pagbuhos ng mga turista na bumibisita sa kanilang lugar.

    Simula umano na maging kandidato ang Underground River ay dumami na ang mga turista na umaabot na sa 425,000 ngayong taon lamang, kumpara noong 2010 na nasa 160,000.

    Kumita na rin aniya ang lokal na turismo ng P700 million.

    Tiyak aniyang kapag pumasok pa sa top ang PPUR ay dodoble pa lalo ang mga bibisitang mga turista.

    Lalo rin aniyang maeengganyo ang mga investors na maglagak pa ng puhunan sa Palawan.

    Aminado naman ang alkalde na kulang sila sa imprastaktura tulad ng mga hotels pero may ginagawa na rin ang lokal na pamahalaan para ito ay tugunan.

    Matatandaang sa launching ng Puerto Princesa Underground River sa Malacañang, nanawagan si Pangulong Noynoy Aquino ng suporta sa taongbayan para makapasok ang PPUR sa New 7 Wonders of Nature.

    Ibinida pa ng Pangulo ang ang mga bagong discoveries sa Underground River gaya ng 23 milyong taong fossil ng Sirenia o sea cow na nagmula sa Miocene Age, para mapalitan ang negatibong impresyon sa Pilipinas.

    Ang search for the New Seven Wonders of Nature ay inorganisa ng Switzerland-based New7Wonders Foundation noong 2007, kung saan tumanggap ito ng 440 entries mula sa mahigit 200 bansa na pinagbotohan ng milyun-milyong mamamayan para sa Top 77 hanggang sa piliin ang Top 28 finalists kung saan nakapasok ang PPUR at may tsansang mapabilang sa Top 7.
    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 11:27 pm