LOS ANGELES - Inabangan ng buong mundo partikular sa Amerika ang paglapit ng higanteng 2005 YU55 asteroid sa mundo nitong umaga.
Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), ang nasabing asteroid na kasing laki ng aircraft carrier ay lumapit ng 324,600 kilometro mula sa mundo.
Mas lumapit ang asteroid sa Earth kung ikumpara sa buwan na may layong 384,499 kilometro mula sa mundo.
Bagama't tiniyak ng mga scientists na hindi ito banta, nag-abang pa rin ang mga astronomers at sky watchers.
Ayon kay Marina Brozovic, scientist sa Near-Earth Object Office ng NASA, gusto nilang pag-aralan ang nasabing asteroid partikular ang characteristic nito at kung ano ang mangyayari sa naturang rock formation, sa hinaharap.
"We would really like to characterize it as much as possible, and learn about it's past and about it's future," ani Brozovic.
Gumamit naman ng higanteng radio telescopes ang Arecibo observatory sa Puerto Rico at Deep Space Network facility ng NASA para makita ang paglapit ng asteroid sa mundo.
Ang NASA ay nakunan ng mga larawan at video ang nasabing asteroid habang lumalapit sa Earth.
Ang Clay Center Observatory sa Massachusetts ay nagsagawa pa ng viewing party para mahikayat ang mga kabataan at kanilang mga magulang na tumingin sa asteroid upang mabigyan ng kaalaman ang publiko.
Ipinalabas pa sa pamamagitan ng live streaming sa internet ang video ng 2005 YU55 asteroid. (AP/Space.com)
[You must be registered and logged in to see this link.]