Imbes na saklolohan ang driver nang tumaob na ten-wheeler truck ay ang mga bote ng alak na laman nito ang inatupag ng mga residente ng isang barangay sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur dahilan upang bawian ng buhay ang tsuper kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawing si Rodolfo Sanico, taga-Cabuyao, Laguna na nasawi matapos maipit sa minamanehong ten-wheeler truck na tumaob sa kahabaan ng Andaya highway ng nasabing lalawigan.
Sa ulat ng Sipocot-PNP, alas-8:45 ng gabi nang maganap ang insidente habang binabagtas ng nasabing trak na puno ng kahun-kahong alak upang i-deliver sana sa Legazpi City.
Pagdating sa pakurbadang daan ay nagkaproblema ang trak at hindi nakayang kontrolin ng biktima dahilan upang magpagewang-gewang ito hanggang sa tuluyang tumaob.
Dahil sa aksidente ay nagtamo ng grabeng pinsala ang biktima at naipit pa sa manibela dahilan din ng pagbukas ng pintuan ng container na dala nito na naglalaman ng iba’t ibang klase ng alak.
Nakatawag-pansin naman ito sa mga residente at imbes na ang biktima ang unang bigyang-pansin at saklolohan ay ang mga nagkalat na alak ang inatupag ng mga ito at nagkanya-kanyang kuhaan.
[You must be registered and logged in to see this link.]