[You must be registered and logged in to see this link.]“You have a right to remain silent. Anything you say will be used against you. You have a right to be represented by a lawyer and if you can’t afford to hire a lawyer, one will be provided for you”.
Eto ang gasgas na linya ng mga pulis sa US kapag nanood ka ng programang “Cops” habang kumakanta sa background ang “Bad boys, bad boys whatcha gonna do whatcha gonna do? When they come for you?”
Tawag dito ay Miranda Rights.
Sino ba si Miranda? Kaanu-ano niya ang bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda? O ito ba ay isang orange flavor na carbonated drink?
Ang Miranda Rights ay hango sa isang landmark case na Miranda vs. Arizona [384 US 346] na dinesisyunan ng US Supreme Court noong taong 1966.
Miranda Case
Noong Ika-13 ng Marso taong 1963 ay inaresto si Ernesto Arturo Miranda sa kasong kidnapping at panggagahasa sa isang 18 taong gulang na babae. Matapos ng dalawang (2) oras na interogasyon ay umamin si Miranda at lumagda sa isang salaysay.
Pagdating sa paglilitis ay kinuwestiyon ng abugado ni Miranda ang salaysay sa pag-amin dahil hindi daw sinabihan ang akusado sa kanyang karapatan manahimik at magkaroon ng sariling abugado noong oras ng interogasyon. Hinatulan si Miranda na mabilanggo at inapela ang kaso na umabot hanggang US Supreme Court.
Ayon sa sikat na si Chief Justice Earl Warren, nilabag ng mga pulis ang karapatan ni Miranda laban sa pagdiin sa sarili o “right against self incrimination” at karapatan sumangguni sa abugado na nakapaloob sa 5th at 6th Amendment ng kanilang Saligang Batas. Dahil doon ay hindi nagamit ang pag-amin laban kay Miranda.
Nagkaroon ulit ng paglilitis. Hindi man ginamit ang salaysay ni Miranda ay diniin naman siya ng mga testigo at kalaboso pa rin siya. Dahil sa kasong ito ay naging SOP na ang pagbasa sa mga karapatan ng mga akusado tuwing hinuhuli para hindi masayang ang mga pag-amin na gagawin nila.
Rights under custodial investigation
Kung sa US ay meron silang Miranda Rights, dito sa atin meron tayong “rights under custodial investigation” na nakapaloob sa ating Article III Section 12 ng Saligang Batas:
1) Right to be informed of his right to remain silent.
Hindi mo lang karapatan ang manahimik, karapatan mo rin na malaman na may ganito kang karapatan. Tama nga naman, ano ang silbi ng karapatan mong manahimik kung hindi mo naman alam na pwede mo palang hindi sagutin ang mga tanong ng mga pulis at sabihin ang katagang “No comment, friends lang kami.” sabay labas ng dila ^_^
Kahit alam mo na may karapatan kang manahimik at umamin ka, kapag hindi naman pinaalam ng mga pulis ang karapatang ito sa iyo, lusot ka parin.
Kapag inanyayahan ka ng mga pulis sa isang custodial investigation, hindi ka kailangang magsalita. It will not be taken against you. Hindi ibig sabihin na nanahimik ka ay guilty ka na.
2) Right to have competent and independent counsel preferably of his own choice. If the person cannot afford the services of counsel, he must be provided with one.
Isipin mo na lahat ng sasabihin mo ay magagamit laban sa iyo. Kung hindi ka magaling magsalita maaring iba ang lalabas sa iyong bibig sa gusto mong ipahiwatig. Dahil din marahil sa tensiyon at pressure ay hindi gumagana ng maayos ang iyong utak upang magbigay ng intelihenteng sagot.
Kaya ano ang gagawin mo? Tawagan agad ang iyong swabeng abugado at hintayin siya. Ipaalam sa abugado ang lahat ng nalalaman, huwag magtira ng kahit anong sikreto. Lahat ng pinag-usapan ninyo ay sakop ng attorney-client privilege at hindi rin maaring gamitin laban sa iyo. Hayaan ang abugadong dumiskarte at siya ang tatayong spokesman mo. Alam niya ang kanyang ginagawa at ibigay ang buong tiwala. At huwag kalimutang bayaran ang bill (oh yeah).
Kung wala ka namang pera pang-upa ng abugado (parang hindi magandang pakinggan), nandiyan naman ang mga Public Attorney galing sa PAO. Basta humingi ng abogado sa mga pulis at obligasyon nilang bigyan ka ng isa.
Ang karapatan ding ito ay magsisigurado na hindi pinilit ang akusado sa pag-amin.
3) These rights cannot be waived except in writing and in the presence of counsel.
Kung sa tingin mo ay isa kang henyo at nagtitiwala ka sa iyong sariling kakayahan na sagutin ang mga tanong ng mga pulis gamit ang iyong Jedi Mind Trick ay maari mong ipasawalang bahala ang mga karapatang nabanggit.
Pero dapat ito ay nakasulat na wini-waive mo ang iyong rights under custodial investigation at pirmahan sa harap ng abugado.
Custodial Investigation
Nais kong linawin na iba ang rights under custodial investigation sa rights of the accused during trial. Ang custodial investigation ay simula pa lang ng imbestigasyon at walang pang nasasampang kaso sa fiscal o korte.
Nagsisimula ang custodial investigation kung ang pagtatanong ng mga pulis o otoridad ay hindi lamang “general inquiry” kundi tumutukoy o nagfo-focus na sa isang tao o suspek.
Admissibility of confession
Tulad ng nabanggit, kapag nilabag ng mga pulis o otoridad ang iyong rights under custodial investigation, magiging “inadmissible” ang iyong salaysay. Ibig sabihin, hindi magagamit sa korte ang iyong pag-amin at hindi ito isasaalang-alang ng hukom sa paggawa ng desisyon o hatol.
Ngunit maari pa rin mahatulan ang akusado gamit ang ibang ebidensiya tulad ng forensic evidence o testimonya ng mga testigo.
Pero kung talagang gusto ng akusadong umamin dahil inuusig siya ng kanyang konsensiya, dapat ay:
1) The confession must be voluntary.
Ibig sabihin, umamin siya dahil gusto niya at hindi dahil pinahubad siya habang hinuhugot ang kanyang putotoy at kinukunan ng video upang i-upload sa You Tube.
2) The confession must be made with the assistance of competent and independent counsel.
Syempre andidiyan ang mga abugado upang pigilan este siguraduhin na alam ng akusado ang kahihinatnan o consequences ng kanyang pag-amin. At alamin na bulontaryo itong ginawa ng akusado at hindi dahil tinorture siya o tinakot ng mga myembro ng SWAT o Samahang ng mga Walang Alam sa Tactics (corny alam ko).
3) The confession must be express.
Ibig sabihin tahasang pag-amin. Kapag tinanong na “Ikaw ba ang pumatay kay Juan Dela Cruz?” ang sagot dapat ay “Opo. Ako po ang pumatay kay Juan dela Cruz, ungas kasi yun!” at hindi sagot na “Kinda” at ngingiti na lang na parang kinikilig pagkatapos umihi.
4) The confession must be in writing.
Syempre dapat nakasulat at pirmado. Hindi yung sinabi lang sa pulis at kulong ka na agad. Kaya posibleng umamin ka verbally sa pulis at later on ay bawiin habang hindi pa naisusulat o pinipirmahan sa harap ng abugado
Purpose
Ang mga karapatang nabanggit ay strikto upang siguradong hindi pipilitin ang mga akusado sa pag-amin at paggamit ng ano mang klaseng torture, tulad ng pagpitik sa yagbols.
Hindi naman sa nilalahat ko pero may iba kasing imbestigador na tamad, papaaminin lang ang akusado at yun lang ang gagamitin laban sa kanya. Ayaw na mangalap ng ibang ebidensiya.
Isipin natin lagi na lahat ay inosente sa mata ng batas hangga’t hindi nahahatulan ng korte. Nasa kamay ng prosekusyon na patunayan ang kasalanan nito at hindi dapat sila umasa lang sa kahinaan ng ebidensiya ng akusado.