Pinatatahimik kahapon ng Philippine government ang People’s Republic of China at iba pang claimant countries sa South China Sea mula sa pag-iisyu ng mga nakaka-alarmang pahayag na higit lamang na makakapagpainit ng tensyon sa nasabing usapin.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nakikiusap lamang naman sila upang mas mapabilis ang pagkakaroon ng solusyon sa isyu at maresolba ito ng direkta ng mga sangkot na partido.
“We call on all parties to refrain from inflammatory statements that would make it more difficult to reach a mutually agreeable solution,” ani Lacierda.
Kaugnay nito ay nili*naw din kahapon ng Malacañang na hindi sila magpapasaklolo sa Estados Unidos laban sa umano’y “pambu-bully” o panggigipit ng China tulad ng panukala ni Senate President Juan Ponce Enrile.
Kaugnay nito, sinabi ni Senator Jinggoy Estrada na kailangang maging ‘cool’ at mahinahon pa rin ang Pilipinas sa pag-angkin sa Spratly’s Group of Islands kahit binabraso na ng China.
“Dapat we resolve it diplomatically,” giit ni Sen. Jinggoy Estrada.
Sinabi ito ni Estrada dahil hindi uubra ang Pilipinas sa brasuhan sa China, lalo na kung humantong sa gamitan ng puwersa militar.
[url=link][You must be registered and logged in to see this link.]