Nais ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na palawakin pa ang batayan para ipawalang bisa ang kasal sa ilalim ng Family Code.
Sa kanyang inihaing panukala na Senate Bill 781, isinulong ni Estrada ang pag-amyenda sa Family Code, partikular ang Article 36 kung saan nakasaad ang mga indikasyon ng psychological incapacity na maaaring gawing dahilan upang ipawalang bisa ang kasal.
Sa panukala ni Estrada, nais nitong ipabilang ang mga sumusunod, “ang pagiging bading o tomboy ng kabiyak, pagiging drug addict, lasinggo, bobo, sugarol, tamad, pangangaliwa, kriminal, mapang-abuso sa mga anak o sa asawa, madalas na pagtanggi ng pakikipagtalik sa asawa at kawalan ng moral, spiritual at financial na suporta sa pamilya at iba pa.
Sinabi ni Estrada na dahil sa malabo ang umiiral na batas nagkakaroon tuloy ng kalituhan ang mga legal practitioners lalo na sa Article 36 ng Family Code.
"A marriage contracted by any party who, at the time of the celebration, was psychologically incapacitated to comply with the essential marital obligations of marriage, shall likewise be void even if such incapacity becomes manifest only after its solemnization," ayon kay Estrada.
Sa umiiral kasi na batas, nakatakda sa Article 36 na nagsasabing: “A marriage contracted by any party who, at the time of the celebration, was psychologically incapacitated to comply with the essential marital obligations of marriage, shall likewise be void even if such incapacity becomes manifest only after its solemnization.”
link:http://www.bomboradyo.com/index.php/news/latest-news/55655-kawalan-ng-gana-sa-sex-maaaring-hiwalayan-ng-legal-sen-jinggoy